Thursday, October 2, 2008

Our wikang Tagalog


Sa aking pagmumuni-muni, napag tanto ko na mas mainam ang mag likha ng “blog” o panulat sa wikang tagalog. Mas marami at mas malawak ang aking maabot na mga tagasubaybay at mas mainam kong maihahayag ang aking mga salaubin ukol sa mga bagay bagay. Gayun paman may mga salita na di angkop sa wikang tagalong o ganap lang na wala akong muwang ukol dito. Kaya mga kaanib sa panunulat at mga mambabasa o sadyang mga usyusero lang, hayaan nyo at pipilitin ko at gagawin ang lahat upang maging mas maka-pilipino at makabayan ang aking estilo ng panunulat para sa ikatutuwa ng mas nakararami (including me). Abangan ang mga bago kong pananaw at kuro-kuro ukol sa mga bagay bagay, mapa sagrado, mahalaga o sadyang mga walang kwenta. Abangan ang bagong Mr. Tomato o mas mainam na tawaging’ Ginoong Kamatis. Hangang sa muli kong panunulat. Asahan ang pag-gamit ko ng wikang kinagisnan. Ang wikang Tagalog. Promise!