Sunday, October 12, 2008
gaano ka kagaling mag-tagalog?
Pssst… Gaano ka kagaling magtagalog? Kaya mo bang palipasin ang buong maghapon na purong tagalong ang salita at walang halong salitang banyaga? Hmm… mahirap diba? Ako kaya ko! Really, kaya ko nga! Anyway, minsan may mga salita tayong hinde talaga angkop gamitin lalo na sa mga salitang teknikal. (sige nga? Ano ang technical sa tagalong?). Gayun pa man, ang pagsasalita ba ng tagalong ay senyales ng kahinaan? Kung bakit ko natanong ito ay simple lang….eto ay dahil:
Bwisit na bwisit ako sa mga taong pilit nag iingles, keso hodang magkapili-pilipit na ang dila at puro laway na ang paligid ng bibig at bumubula-bula pa. sa meeting sa opisina, sa presentation sa mga amo o managers, sa pag organize o pag ho-host ng events (nagsisimula na naman akong mag-taglish). sa pag judge ng contests, sa panliligaw ng babae, sa pagpapaliwanag sa magulang ng nililigawang babae kapag nahuling nanloloko lang pala, sa pag apply ng trabaho, sa pangangaral sa isang religious meet, sa pakikipagkwentuhan sa mga bagong kilala at marami pang iba.
Hoy, Pilipino ka, itim ang buhok mo, kayumanggi ang kulay at katamtaman ang taas, hinde katangusan ang ilong mo, magaling kang magtagalog ngunit nakakaintinda ka ng ingles. Pero hinde ibig sabihing nagtatagalog ka ay bobo ka. Mas mainam na magtagalog ka na lang kung nag iingles ka nga pero gabutil ang pawis mo sa mukha at nag-kakautal utal ka naman. Tandaan mo, hinde tanda ng katalinuhan ang pagsasalita ng ingles. Pede ka parin maging corporate, maging credible, maging smart kahit tagalog ang gamit… Tandaan mo!!!, Pilipino ka, kalahi ni Rizal, kalahi ni Ninoy, kalahi ni Pacquiao, kalahi ni Juan Luna, kalahi ni Batista… Filipino ka, lahi ng matatapang, lahi ng romántico, lahi ng malikhain. Tandaan mo, Filipino ka!!!! Kaya bawal ang supot!...