Thursday, October 30, 2008

office people


Araw-araw (well Monday to Friday naman) ay gumigising ako ng maaga para pumasok sa opisina. Hinde ko ginagawa eto dahil gusto ko, ginagawa ko eto dahil kailangan. Kailangan kumayod para may pangkain, pangluho, pangtustos o pang-piyansa sa presinto paminsan-minsan. Minsan (actually madalas) wala kang ganang magtrabaho at nagbibusy-busyhan ka nalang, makalat ang mesa, may hawak na lapis (kung mapapansin nyo ang hawak kong lapis, napakatulis, hinde napupudpod, e props lang e), tatango-tango sa telepono na parang sumasang-ayon sa kausap kahit dial-tone lang ang naririnig, tatambay sa cubicle ng CR at pipiliting umebs habang nakatingen sa kabilang building na tinatayo. Lately wala na talaga akong magawa at tinatamad na rin akong mag busy-busyhan kaya tumayo ako at masusing inobserbahan ang mga kasama ko sa trabaho upang makita kung ano-ano ang pinag kaka-abalahan ng bawat isa. Isa-isa ko rin in-analyze ang mga behaviours at personality nila. Naaliw ako at makulay pala ang ibat-ibang tao sa paligid ko dito sa opisina. Eto ang mga ibat-ibang personality ng aking mga peers.

• May taong naka headset maghapon, walang paki-alam sa mundo o sa paligid nya, makikita mo lang na tatayo para kumuha ng kape sa pantry at babalik sa kanyang sariling mundo. Tatayo bago mag uwian at maya-maya lang ay wala na. Sila yung mga “bahala-kayo-sa-buhay-nyo-club” or “palaputan-ng-laway-club”.
• May sadyang maiingay at papansin, yung palakad-lakad na parang nangangampanya, yung mas madalas sa upuan ng iba at sinasamahan lahat ng taong gustong mag meryenda sa pantry man o sa labas. Sila yung matataas ang energy level na parang sagad sagad sa sugar ang katawan sa taas ng energy. Sarap igapos sa upuan at ilag-lag sa hagdan mula top to ground floor.
• May mga taong conspicuous ang dating, para bang may binabalak na masama, parang anytime e papasabugin nila ang opisina nyo. Sila yung gusto mong hulihin kung anong internet site ang tinitignan, malamang men-to-men porn site or yung mga hardcore website yan. Hehehehe.
• May mga feeling konyo, yun napaka vein at walang ginawa kundi i-check ang sarili kung pantay ba ang hati ng buhok nila, kung maayos ang pagkaka tuck-in, yung pag nag crack ng jokes e gusto nya lahat e nakikinig at isa-isa nyang oobserbahan kung maraming natawa sa kanilang walang kasing corning humor. Puro porma walang utak. Osama, kung uulitin mo ang plane-to-building-crash strategy mo, please advised me po, rerequest ko lang na sa bintana nila ang tumbukin nyo. That will be the day. Mga feeling cono’s!!!
• May mga nerds , naka-ngite habang subsob sa trabaho at nakatutok sa monitor. Excited sa umaga at kakumpetensya ang sarili, straight magtrabaho at minsan hinde na nagbbreak. Karaniwang walang buhay sa labas ng opisina, kadalasang taga pakinig lang sa mga naguusap (chismisan) at walang opinion.
• May mga easy go lucky, sila yung di nakakakitaan ng pressure sa trabaho, lagging masaya at walang paki alam sa mga issues na hinde rin naman makaka apekto sa kanya. Madaling yayain kahit saan, at madaling isama sa meeting kahit busy. Basta madaling kasama, Tapos!
• At marami pang iba, may mga taong in-love, may adik sa porn-site, may adik sa pag uupdate ng mga account sa internet like, friendster, ym, facebook, multiply etc…
Alin ka man sa mga nabanggit, I’m sure magiging boring ang opisina pag wala ang mga ganitong klaseng nilalang sa loob. Ang importante, lahat ay nagkakaisa sa iisang layunin! Ang mag busy-busyhan! este ang palaguin ang corporasyon at maging parte sa pag unlad ng pinapasukang trabaho! Mabuhay ang mga manggawa!. Now back to work…