Thursday, July 21, 2011

My Memory with my dad and CONAN


Suddenly I feel like 5 year old again. I remember the Original screenplay of Conan in 1982 (with Arnold Schwarzenegger). It was my 1st time in a movie house, I remember it's an old movie house in Binondo, my fathers home town. I felt excited and scared at the same time. The darkness inside the theater gives me the creep, and not to add the intimidating strangers around me watching the film, but the presence of my father assures me that everything is OK. He sat on my left side. I felt safe. I remember seeing a lot of sword fighting, giant snake, muscled men, sexy amazons and evil wizards! I don't understand the story quite well, how would I? I'm only 5years old then, but I enjoyed it nonetheless. All I'm sure of is that I am totally amazed with the big screen and effects of the movie, an experience I would never forget ever... I feel like the happiest kid right there. That's all I can remember right now-- If only I knew that it will be my 1st and last time watching a movie with my father... I should have done things differently. I should have spend more time bonding with my pop, I should have invite him for dinner-out more often, I should have invited him for a vacation more often or at least I should have treated my father for a movie even just once. But all that never happened, and I guess it's too late for that now. I miss my dad... you see, it's not just a movie for me, it's the last and only memory of me with my father having a great time before we were drifted away by life's fast phase. It's a special memory that I will treasure-- that there was this one time that me and my dad are great buddies... And now that they are making a "CONAN" remake, I wonder how it will make me feel like watching it again. Honestly, I don't know-- but I know that this time, I'm no longer scared of the dark, I'm no longer scared of the strangers around me, and I'm sure I'm going to understand the story... And I am going to enjoy the movie, Just not with my father anymore... But probably I'll watch it with my son this time, and I swear that it will not be our last movie together.

Sunday, November 16, 2008

Biggest Marketing Campaign in the World!!!


Before you look away by my boring and dreary subject title, please hear me out first. Marketing? Ano ba yan? Marketing is what we do to attract sales. Very broad?, basta ang bottomline, Marketing ang dumidiskarte kung panu papasok ang benta o income sa kumpanya? Get mo na? Enough of that Marketing 101. Pero alam nyo ba kung ano ang biggest Worldwide Marketing Campaign? Kelan ba nagkaka sale sa mga malls? Kelan ba maraming pera ang tao? Kelan ba napupuno ng ads ang tv, ang radio? ang print ads, na nang hihikayat na bumili at gumastos ka? Kelan? Syempre sa Pasko! Yes, Christmas is the Single Most Biggest Marketing Campaign in the world. Lahat ng marketing promos nangyayari sa pasko, lahat ng new items lumalabas sa pasko, lahat ng walang kwentang palumuti lumalabas sa pasko, lahat ng tiangge nagbubukas sa pasko, mga groceries nagpupunuan sa pasko, masaya lahat sa pasko, lahat may spirit of spending, ikaw? Diba sa tuwing pasko ka lang napipilitang bumili ng regalo sa ibang taong hnde mo naman ganun ka-close? Exchange gifts sa companya, Christmas party, Christmas outings, lahat yan mandatory na mapapagastos ka sa tuwing pasko. Pilit nalang nilang nirerelate religiously ang pasko, heck, pati sa simbahan puro business e, bibingkahan sa simbang gabi, kandila, meryendahan, have you heard of prayers for hire? Yes, maski mga taong magdadasal pede ng upahan kung tinatamad kang magdasal o sadyang busy. Sa tuwing pasko rin naimbento lahat ng Christmas symbol na tiyak na mahihikayat kang bumili, parol? Balls? Belen? Raindeers? Santa Clause? Anak ng kamote, pati meralco bills tumataas sa pasko e, dahil sa dami ng pa-ilaw mo sa bahay, syempre hinde papatalbog sa neighbors diba? Pero ok lang lahat yan, ok lang lahat ng extra expenses, pasko naman e! Talaga lang ah?, Goodluck sa January. pero ang talagang bottomline, Its ONE BIG MARKETING CAMPAIGN!... Sige na, mag Christmas shopping ka na… Merry spending este merry Christmas…
Bah! Humbug!!!

No! to Office Romance.


This BLOG entry is specially for the working class, Did you know that we actually spend more time at the office than any place else?. So is it really possible to find a potential mate or romance in the office? The answer is evidently “YES!”, I’m not speaking by experience, just from my observations. How awkward can it be to romantically be in love with your colleague, I weigh them up and there is more cons than pros. That’s why I created a list of how to avoid falling for your peers or if you already has, well at least how to take away your emotions to further fall deeply into trouble.

Things to do, to cut potential office romance: ( If you’re a guy)
• Ignore her and start giving her same or less attention as to others.
• Deliberately put no attention to what’s her doing or saying.
• Pretend to be busy with work if she invites you to join her for a break.
• Show her that you pay more attention to other girls in the office.
• Try to make argument with her from time to time. Be a little jerk,
• Be boring as hell with text replies.
• If you have to look at her, make sure she won’t catch you staring.
• Avoid, avoid, avoid, coffee breaks and lunch out alone with her.
• Try to be as formal as possible.
• Never initiate conversations in any means, MMS, YM, Emails etc… unless work related.
• Always think of her ex or crush.
• Start flirting around with others.
• Be involve with some activity, avoid staying in the same place with her after office hours.
• Think of the things you don’t like about her, there must be some?
If all these fail and you still can’t take her out of you mind, then you’re in deep shit!!!

Things to do, to cut potential office romance: ( If you’re a babe)
• Be a bitch!
Easy to do and effective.

Thursday, October 30, 2008

office people


Araw-araw (well Monday to Friday naman) ay gumigising ako ng maaga para pumasok sa opisina. Hinde ko ginagawa eto dahil gusto ko, ginagawa ko eto dahil kailangan. Kailangan kumayod para may pangkain, pangluho, pangtustos o pang-piyansa sa presinto paminsan-minsan. Minsan (actually madalas) wala kang ganang magtrabaho at nagbibusy-busyhan ka nalang, makalat ang mesa, may hawak na lapis (kung mapapansin nyo ang hawak kong lapis, napakatulis, hinde napupudpod, e props lang e), tatango-tango sa telepono na parang sumasang-ayon sa kausap kahit dial-tone lang ang naririnig, tatambay sa cubicle ng CR at pipiliting umebs habang nakatingen sa kabilang building na tinatayo. Lately wala na talaga akong magawa at tinatamad na rin akong mag busy-busyhan kaya tumayo ako at masusing inobserbahan ang mga kasama ko sa trabaho upang makita kung ano-ano ang pinag kaka-abalahan ng bawat isa. Isa-isa ko rin in-analyze ang mga behaviours at personality nila. Naaliw ako at makulay pala ang ibat-ibang tao sa paligid ko dito sa opisina. Eto ang mga ibat-ibang personality ng aking mga peers.

• May taong naka headset maghapon, walang paki-alam sa mundo o sa paligid nya, makikita mo lang na tatayo para kumuha ng kape sa pantry at babalik sa kanyang sariling mundo. Tatayo bago mag uwian at maya-maya lang ay wala na. Sila yung mga “bahala-kayo-sa-buhay-nyo-club” or “palaputan-ng-laway-club”.
• May sadyang maiingay at papansin, yung palakad-lakad na parang nangangampanya, yung mas madalas sa upuan ng iba at sinasamahan lahat ng taong gustong mag meryenda sa pantry man o sa labas. Sila yung matataas ang energy level na parang sagad sagad sa sugar ang katawan sa taas ng energy. Sarap igapos sa upuan at ilag-lag sa hagdan mula top to ground floor.
• May mga taong conspicuous ang dating, para bang may binabalak na masama, parang anytime e papasabugin nila ang opisina nyo. Sila yung gusto mong hulihin kung anong internet site ang tinitignan, malamang men-to-men porn site or yung mga hardcore website yan. Hehehehe.
• May mga feeling konyo, yun napaka vein at walang ginawa kundi i-check ang sarili kung pantay ba ang hati ng buhok nila, kung maayos ang pagkaka tuck-in, yung pag nag crack ng jokes e gusto nya lahat e nakikinig at isa-isa nyang oobserbahan kung maraming natawa sa kanilang walang kasing corning humor. Puro porma walang utak. Osama, kung uulitin mo ang plane-to-building-crash strategy mo, please advised me po, rerequest ko lang na sa bintana nila ang tumbukin nyo. That will be the day. Mga feeling cono’s!!!
• May mga nerds , naka-ngite habang subsob sa trabaho at nakatutok sa monitor. Excited sa umaga at kakumpetensya ang sarili, straight magtrabaho at minsan hinde na nagbbreak. Karaniwang walang buhay sa labas ng opisina, kadalasang taga pakinig lang sa mga naguusap (chismisan) at walang opinion.
• May mga easy go lucky, sila yung di nakakakitaan ng pressure sa trabaho, lagging masaya at walang paki alam sa mga issues na hinde rin naman makaka apekto sa kanya. Madaling yayain kahit saan, at madaling isama sa meeting kahit busy. Basta madaling kasama, Tapos!
• At marami pang iba, may mga taong in-love, may adik sa porn-site, may adik sa pag uupdate ng mga account sa internet like, friendster, ym, facebook, multiply etc…
Alin ka man sa mga nabanggit, I’m sure magiging boring ang opisina pag wala ang mga ganitong klaseng nilalang sa loob. Ang importante, lahat ay nagkakaisa sa iisang layunin! Ang mag busy-busyhan! este ang palaguin ang corporasyon at maging parte sa pag unlad ng pinapasukang trabaho! Mabuhay ang mga manggawa!. Now back to work…

Monday, October 20, 2008

More than bestfriends?


Bestfriends… such an overused term. But more often than not, nagagamit o napapagkamalan sa maling paraan. Teka, bago ka magwala dyan at kumontra, please give me ample chance to explain and elaborate. Hinde porket sumabay kayong lumaki mula pagkabata e mag bestfriends na kayo, hinde porket magkatabi kayo sa classroom buong semester ay mag-bestfriends na kayo, hinde porket parehas kayo ng hilig e mag-bestfriends na kayo, hinde porket parehas kayo ng kaaway e mag-bestfriends na kayo etcetera etcetera… Maraming factors, yup and alam kong alam nyo na lahat ng sinasabi ko. I sure hope so. Pero hinde yan ang main concern ko (belat), because I believe and fully convinced sa aking paniniwala na: “THERE’S NO SUCH THING AS BESTFRIENDS BETWEEN OPPOSITE GENDER”. Kung magkaibigan kayo ng same-sex friend mo, you can upgrade to be bestfriends, pero hanggang dun lang, BUT! DATAPWAT! SUBALIT!, if mag bestfriend na kayo ng opposite gender, there will always be one step higher, pede pa kayong maging lovers. And that’s where the conflict begins!!! Of course, I’m speaking in general, kung meron man dyang minute chance na magbestfriends na boy and girl, well good for you, sobrang bihira yan tsong!, pero sana after reading this blog e you remain the same. Here are my theories:
• One time or another, one will fall for the other, the sad part is when the love is not reciprocated… Then you’re in trouble. Wala ng mas nakakailang na feeling kesa sa mag-bestfriends na nagka inlaban. The friendship is doomed right there and then.
• Mahirap magkasyota kung may nakabuntot sayong bestfriend (kuno), if you’re a girl, goodluck kung may manligaw sa iyo, lalo na kung overly protective and bestfriend mo. Hindrance kumbaga.
• Sometmes, well most of the time, di nalang nila inaamin sa isat isa, until the time will come na too late na for them to admit dahil may kanya-kanya na silang partner.
There’s nothing wrong in having a bestfriend, I hope we are clear with that, wag lang sana yung bestfriend leading to other things which is sadly beyond our control, if you ended being together romantically, well congratulations! That’s the best foundation, starting off as friends... jackpot kayo! Pero sa mga unfortunate ones na hinde pa nagkaka aminan, please do consider the risks of hurting and losing. The question always end up if it worth the risk losing your friend to win love, of course the results will all be worth it, either you get to win love, or lose your friend, but at the same time, you wont have regrets asking your self “what if?”. Nobody sez it’s not going to be painful, but true happiness don’t come easy. No happiness is FREE.

Note:
My theory does not apply to the following:
• Gay or lesbo bestfriends (talagang magbestfriends lang kayo)
• Fugly bestfriend couple (utang na loob, pagnagka-tuluyan pa kayo e dadami pa mga super fhanget sa mundo, stop it!)
• And those mentally challenge… 

Sunday, October 12, 2008

gaano ka kagaling mag-tagalog?


Pssst… Gaano ka kagaling magtagalog? Kaya mo bang palipasin ang buong maghapon na purong tagalong ang salita at walang halong salitang banyaga? Hmm… mahirap diba? Ako kaya ko! Really, kaya ko nga! Anyway, minsan may mga salita tayong hinde talaga angkop gamitin lalo na sa mga salitang teknikal. (sige nga? Ano ang technical sa tagalong?). Gayun pa man, ang pagsasalita ba ng tagalong ay senyales ng kahinaan? Kung bakit ko natanong ito ay simple lang….eto ay dahil:
Bwisit na bwisit ako sa mga taong pilit nag iingles, keso hodang magkapili-pilipit na ang dila at puro laway na ang paligid ng bibig at bumubula-bula pa. sa meeting sa opisina, sa presentation sa mga amo o managers, sa pag organize o pag ho-host ng events (nagsisimula na naman akong mag-taglish). sa pag judge ng contests, sa panliligaw ng babae, sa pagpapaliwanag sa magulang ng nililigawang babae kapag nahuling nanloloko lang pala, sa pag apply ng trabaho, sa pangangaral sa isang religious meet, sa pakikipagkwentuhan sa mga bagong kilala at marami pang iba.
Hoy, Pilipino ka, itim ang buhok mo, kayumanggi ang kulay at katamtaman ang taas, hinde katangusan ang ilong mo, magaling kang magtagalog ngunit nakakaintinda ka ng ingles. Pero hinde ibig sabihing nagtatagalog ka ay bobo ka. Mas mainam na magtagalog ka na lang kung nag iingles ka nga pero gabutil ang pawis mo sa mukha at nag-kakautal utal ka naman. Tandaan mo, hinde tanda ng katalinuhan ang pagsasalita ng ingles. Pede ka parin maging corporate, maging credible, maging smart kahit tagalog ang gamit… Tandaan mo!!!, Pilipino ka, kalahi ni Rizal, kalahi ni Ninoy, kalahi ni Pacquiao, kalahi ni Juan Luna, kalahi ni Batista… Filipino ka, lahi ng matatapang, lahi ng romántico, lahi ng malikhain. Tandaan mo, Filipino ka!!!! Kaya bawal ang supot!...

Thursday, October 2, 2008

Our wikang Tagalog


Sa aking pagmumuni-muni, napag tanto ko na mas mainam ang mag likha ng “blog” o panulat sa wikang tagalog. Mas marami at mas malawak ang aking maabot na mga tagasubaybay at mas mainam kong maihahayag ang aking mga salaubin ukol sa mga bagay bagay. Gayun paman may mga salita na di angkop sa wikang tagalong o ganap lang na wala akong muwang ukol dito. Kaya mga kaanib sa panunulat at mga mambabasa o sadyang mga usyusero lang, hayaan nyo at pipilitin ko at gagawin ang lahat upang maging mas maka-pilipino at makabayan ang aking estilo ng panunulat para sa ikatutuwa ng mas nakararami (including me). Abangan ang mga bago kong pananaw at kuro-kuro ukol sa mga bagay bagay, mapa sagrado, mahalaga o sadyang mga walang kwenta. Abangan ang bagong Mr. Tomato o mas mainam na tawaging’ Ginoong Kamatis. Hangang sa muli kong panunulat. Asahan ang pag-gamit ko ng wikang kinagisnan. Ang wikang Tagalog. Promise!